Hotdog na gawa sa tilapia at malunggay, patok at masustansiya | News Light

📅 November 14, 2025 10:40 AM PHT  |  ✏️ Updated November 17, 2025 12:16 PM PHT

Mga kaakibat, mahilig ba kayo sa hotdogs, pero health conscious at the same time?

Aba, para inyo itong recipe na ito!

Sa Talim Island sa gitna ng Laguna de Bay, isang residente na si Evangeline Iguia ang gumawa ng kakaibang imbensyon: hotdog na gawa sa tilapia at malunggay.

Ayon kay Evangeline, na inspirasyon ng hotdog niya ay mula sa pagkakasakit ang kanyang anak dahil sa food allergy, nais niyang gumawa ng masustansyang alternatibo sa paboritong pagkain ng mga bata.

ADVERTISEMENT

Ang karaniwang hotdog kasi ay gawa sa pinaghalo-halong karne ng baka, baboy, at manok at preservatives.

Nang ibahagi niya ang kanyang recipe sa isang vlog, umabot ito sa 40 million views at naimbitahan pa siya sa iba’t-ibang programa sa telebisyon.

Ang kuwento ni Evangeline ay patunay na sa sipag, talento, at malasakit sa pamilya, kayang gawing tagumpay ang simpleng ideya.