Higit P29-B pondo para sa 2026, hiniling ng Defense Department

📅

Humihiling ang Department of National Defense ng humigit P295 billion na budget para sa 2026 higit na tumaas ito ng 8.6% kumpara sa P271.9 billion ngayong taon.

Ayon kay Defense Secretary Gilbert Teodoro, 95% o mahigit P282 billion ang nakalaan para sa Armed Forces of the Philippines.

Samantala, binawasan naman ng Department of Public Works and Highways ang kanilang panukalang 2026 budget

Mula P881 bilyon na unang hiniling ng kagawaran patungo sa P626 bilyon.

ADVERTISEMENT

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, tinanggal ang mga duplicate at natapos na proyekto kasunod ng direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang lahat ng locally funded flood control projects.