Higit P1 dagdag-presyo sa petrolyo, epektibo na | News Light

📅 November 18, 2025 1:04 PM PHT

Epektibo na ang dagdag-presyo sa petrolyo.

Sa inilabas na presyo ng mga kumpanya ng langis, aabot sa ₱1.20 ang dagdag sa kada litro ng gasolina at diesel.

ADVERTISEMENT

Habang wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene dahil sa ipinatupad na price freeze.

Ayon sa Department of Energy, sa unang bahagi ng linggo, nagtaas-baba ang presyo ng petrolyo sa world market dahil sa bagong sanctions ng U.S. sa Russian oil at U.S. government shutdown, habang lumampas ang suplay sa tinatayang demand.