Naku po, mga ka-A2Z. Maghanda na podahil sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis sa susunod na linggo.
Batay sa trading average ng mean of platts Singapore posibleng tumaas ng hanggang P1 at ¢20 ang kada litro ng gasolina.
Hanggang P1 and ¢50 naman ang dagdag sa kada litro ng diesel at
¢80 naman ang kada litro ng kerosene.
Ayon sa Energy Department, bunsod ito ng sanctions ng U.S. sa Iran patuloy na gulo sa Ukraine at Russia at suspensyon ng export ng Saudi Aramco at Iraq.
ADVERTISEMENT
Kaya naman magpakarga na po this weekend habang mura pa po!



