Higit 870,000 nagparehistro para sa 2026 BSKE — Comelec | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Umabot na sa mahigit 870,000 ang nagparehistro para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa susunod na taon, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa pinakahuling tala ng Comelec noong December 7, halos 200,000 ang may edad 15 hanggang 17 years old o ‘yung mga boboto lamang sa Sangguniang Kabataan, samantalang ang mahigit 670,000 ay 18 taong gulang pataas.

Sinimulan noong October 20 ang registration period at isasagawa hanggang May 18, 2026.

Para sa mga nais magparehistro, magtungo sa mga satellite registration sites o sa mga office of the election officer na bukas mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon tuwing Lunes hanggang Linggo.