Mahigit 30,000 na indibidwal ang lumikas mula sa malawakang pagbaha sa Maguindanao del Sur noong Sabado.
Matinding pag-ulan dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang naranasan sa Mindanao at nagdulot ng pagbaha sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Shariff Aguak, Datu Saudi Ampatuan, at Datu Salibo sa Maguindanao del Sur.
Ayon sa Office of Civil Defense ng BARMM, napinsala rin ng baha ang tulay sa Barangay Bagumbong, Mamasapano, maging ang mga sakahan ng mais, bigas, at iba pang mga pananim sa lalawigan.
Patuloy ang pagbabantay ng OCD–BARMM sa panahon at pinag-iingat pa rin ang mga residente.