Higit 20 ospital sa Metro Manila, bukas para tugunan ang overcapacity sa PGH ER — DOH | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Bagamat hanggang ngayon ay may overcrowding sa Philippine General Hospital (PGH), siniguro ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na bukas ang mga DOH hospital at government-owned and controlled hospitals para tugunan ang pangangailangan ng mga pasyente.

Ayon sa kalihim, handa ang nasa 20 ospital na tumanggap ng mga pasyente na hindi na ma-accommodate ng PGH.

Dahil dito, inabisuhan na rin ang ibang ospital, klinika, ambulansya, at mga doktor na huwag munang magdala ng pasyente sa UP-PGH.

Kabilang sa mga maaaring puntahan ng mga pasyente ay ang Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, at Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.