Higit 18-K Batangueño, nasa evacuation centers dahil sa epekto ng Super Typhoon Uwan

📅 November 10, 2025 10:49 AM PHT
Photo Courtesy: Marcos Cast

Tinatayang 18, 213 indibidwal o 5,214 pamilya ang kasalukuyang nasa mahigit 100 evacuation centers sa Batangas, ayon sa pinakahuling ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Bukod dito, nasa 549 pamilya o 1,690 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak.

Nauna nang nagsagawa ng pre-emptive at forced evacuation ang ilang LGU sa mga baybaying lugar at flood-prone areas matapos magbabala ang PAGASA sa posibleng storm surge.

ADVERTISEMENT

Patuloy namang bukas ang mga staging area sa probinsya para sa agarang tulong sa mga evacuee.