Umabot na sa 103,000 katao o 30,000 na pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Wilma, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region 8.
Maliban dito, mahigit 3,000 pamilya ang paunang lumikas.
Ayon kay OCD Region 8 officer in charge Director Rey Gozon, papatapusin muna ang bagyo bago pauwiin ang mga lumikas na residente, lalo na ang mga nakatira sa flood- and landslide-prone areas.
Samantala, ilang lugar sa Eastern Visayas ang binaha gaya ng mga bayan ng General MacArthur at Llorente sa Eastern Samar.
ADVERTISEMENT
Binaha rin ang Bicol, partikular ang ilang lugar sa Legazpi City sa Albay at sa Garchitorena sa Camarines Sur.
May napaulat namang landslide sa Balamban, Cebu.



