Higit 1,000 classrooms nasira sa pananalasa ng bagyong Opong at hanging habagat | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Sa kabila ng umiiral na kakulangan na higit 165,000 silid-aralan sa bansa, nadagdagan pa ang suliranin matapos masira ang 1,370 classrooms dahil sa bagyong Opong at hanging habagat.

Batay sa situation report ng Department of Education (DepEd), 891 sa mga nasira ang may minor damage, 225 ang malubhang nasira, habang 254 naman ang tuluyang nawasak.

Tinatayang nasa 13.3 milyong mag-aaral at mahigit 569,000 personnel sa 23,796 public schools ang naapektuhan ng kalamidad.

Karamihan sa mga mag-aaral na apektado ay mula sa Bicol Region, Eastern Visayas, Calabarzon, Central Luzon, at Mimaropa.

ADVERTISEMENT

Maliban pa sa mga nasira dahil sa bagyo, nananatili ring malaki ang backlog ng DepEd sa pagpapatayo ng silid-aralan upang makasabay sa lumalaking populasyon ng mga mag-aaral.

Samantala, nasa higit isang daang paaralan din ang ginagamit ngayon bilang evacuation centers, na mas lalong nagpapalala sa kakulangan ng mga pasilidad para sa edukasyon. (Pink Feliciano/ News Light)