Higit 100 Pinoy, lumikas dahil sa hidwaan ng Thailand at Cambodia | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Hindi bababa sa 126 na Pilipino na ang inilikas ng pamahalaan sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng bansang Thailand at Cambodia, ayon sa ambassador ng bansa sa Thailand.

Paglilinaw naman ni Ambassador Millicent Cruz-Paredes kahapon, maagang nai-relocate at hindi na nadamay pa sa gulo ang mga Pilipino.

Nasa iba’t ibang lokasyon na ang mga evacuees; may mga nanatili sa mga government facilities, at ang iba naman ay sa mga pribadong sektor at kani-kanilang pamilya.

Nasa 40,000 na mga Pinoy, na 80 porsiyento ay pawang mga guro ang nasa Thailand.

Nasa 356 namang mga kababayan ang nasa pitong probinsya sa border ng Cambodia.

ADVERTISEMENT

Binigyan na ng financial assistance ang mga apektadong guro na sinapit “no work, no pay” dahil sa suspensiyon ng klase, ani Cruz-Paredes.

Hindi na rin umano kailangan nang malawakang paglikas dahil ligtas naman ang kalakhang parte ng Thailand.

Gayunpaman, ipinagbawal na ng embahada ang pagbisita sa apektadong border provinces. (Denniel Salayo/News Light)