Health condition ng comedian na si Ate Gay, bumubuti

📅

Good news! Dahil patuloy ang pag-recover ng komedyanteng si Ate Gay mula sa kanyang karamdaman.

Sa Facebook post ng tinaguriang mash up queen, ibinahagi niya na mula sa 10 centimers mabilis na lumiit ang bukol sa halos 8.5 centimeters matapos sumailalim sa radiation at chemotherapy sa Asian Hospital na aabot ng 30 araw.

Tulong umano aniya ito ng isang anonymous donor.

Nagpasalamat naman si Ate Gay sa mga kaibigan at tagasuporta na walang sawang nagdarasal para sa kanya

ADVERTISEMENT

Get well soon Ate Gay!