Opisyal nang idineklara ng PAGASA na tapos na ang Habagat season sa bansa.
Ayon sa state weather bureau, huling linggo pa ay unti-unti nang humihina ang Southwest monsoon nitong mga nakaraang linggo habang nagpapalakas naman ang high-pressure system sa East Asia at kumikilos pababa ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Ayon pa sa PAGASA< ang pagtatapos ng habagat ay tanda rin ng pagtatapos ng tag-ulan lalo na sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
nasa transisyon na ngayon ang bansa, patungo sa amihan season na inaasahang idedeklara sa mga susunod na linggo.
Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang namataang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Huli itong namataan sa silangan ng Southeastern Luzon.
ADVERTISEMENT
Taglay nito ang lakas na aabot ng 55 kilometers per hour at bugsong aabot ng 70 kph.
Kumikilos ito sa bilis na 35 kilometers per hour.
Wala pa namang direktang epekto ito ngayon sa bansa.



