GV Florida Transport Inc., pinangalanan na ang mga driver na sangkot sa viral na karerahan ng bus pa-Cagayan

📅 June 17, 2025 12:52 PM PHT  |  ✏️ Updated June 17, 2025 05:50 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Tinukoy na ng GV Florida Transport ang mga driver na sangkot sa viral na bus racing sa Cagayan.

Kamakailan kinumpirma ‘yan ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza sa briefing ng Transportation Department.

Sa viral video noong June 8, anim na bus ang nakunang nag-uunahan sa highway mula Nueva Vizcaya hanggang Isabela.

Una nang napangalanan ang tatlong driver noong June 13.

Habang agad na binalaan sila ng LTO na kailangang iulat ang iba pang driver bago ang June 16 para hindi patawan ng dagdag-parusa.