GV Florida Transit, magsasampa ng kasong Cyberlibel Vs. viral video uploader

📅 June 26, 2025 12:20 PM PHT  |  ✏️ Updated June 26, 2025 04:24 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Maghahain ng kasong Cyberlibel ang GV Florida Transit laban sa nag-upload ng viral video na nagpakita sa ilang bus ng kumpanya na tila nagkakarerahan sa National Road sa Cagayan.

Ayon sa abogado ng kumpanya, in-edit at finast-forward ang video para magmukhang nag-uunahan ang anim na mga bus.

Naging hot topic kamakailan sa social media ang naturang video matapos batikusin ng marami ang kumpanya ng bus para makompromiso ang kaligtasan ng mga pasahero.

Nauna nang humingi ng tawad ang kumpanya at sinabing hindi ito sumasalamin sa kanilang mga pamantayan.

Pero tinawag itong hindi katanggap-tanggap ni Transportation Secretary Vince Dizon.