Gusot dahil sa yearbook photos, naayos na nina Rep. Ridon at Sen. Estrada

📅

Nilinaw ni Sen. joel Villanueva na ang larawan nya katabi si former Bulacan district Engineer Henry Alcantara ay kuha mula sa isang official event taong 2021.

Noong mag inspeksyon siya sa pagpapasinaya ng Bocaue pumping station, nag viral kamakailan ang ang larawan matapos masangkot si alcantara sa kontrobersiya sa flood control funds.

Nag sorry ang media outlet na Rappler kay Sen. Robin Padilla matapos siyang akusahang nag dirty finger habang umaawit ng lupang hinirang sa senado.

Itinanggi ni Padilla ang akusasyon at ipinaliwanag na ang kanyang hintuturo ang nakataas na bahagi ng kanyang muslic declaration of faith.

ADVERTISEMENT

Samantala, tila naplantsa na ang gusot sa pagitan nina Rep. Terry Ridon at Sen. Jinggoy Estrada matapos iangat ni Estrada ang yearbook photo ni Ridon kasama ang kontrobersyal na ex DPWH official na si Brice Hernandez.

Isang araw nga matapos magpatutsadahan ang dalawa sa social media, ayon kay Ridon, ay kapwa nag move on ang dalawang mambabatas upang magfocus sa mas malalaking isyu ng bayan.