Grupong Manibela, itinigil muna ang 3-day strike matapos makipagdayalogo sa transport agencies | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Pansamantalang itinigil ng transport group na Manibela ang kanilang tatlong araw na malawakang protesta matapos ang anila’y produktibong dayalogo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Land Transportation Office, at Department of Transportation.

Tantiya ng grupo, nasa 20,000 jeepney drivers ang lumahok sa protesta na nagsimula nitong Lunes.

Ayon sa mga drivers, nahikayat silang tumulong sa mga commuters kahit una nilang plano na ituloy ang strike.

Sinabi ng Manibela na ipinahinto nila ang welga matapos ilahad ng mga transport officials ang kanilang commitment sa sektor ng transportasyon.

ADVERTISEMENT

Gayunman, babantayan pa rin ng grupo ang pagtupad sa mga napag-usapan.