Mariing iginiit ng mga pharmacist na bawal magbenta ng over-the-counter medicines ang mga sari-sari store na walang lisensiya.
Ayon kay Leonila Ocampo ng Philippine Pharmacists Association, dapat munang magpa-lisensiya ang mga tindahan bilang retail outlet for non-prescription drugs bago payagang magbenta ng gamot.
Giit ng grupo, kung walang lisensiya ay walang regulasyon sa tamang pag-imbak, paghawak, at pagbenta ng gamot.
Kailangan ding may supervision mula sa pharmaceutical company ang mga lisensiyadong tindahan, at dinadalaw linggo-linggo ng lisensiyadong pharmacist upang masigurong maayos ang operasyon.
ADVERTISEMENT
Idiniin din ni Ocampo na may epekto sa kalusugan ang maling paggamit kahit ng pinakasimpleng gamot tulad ng paracetamol at ibuprofen.
Dagdag pa ni Ocampo, maaaring managot din ang mga drugstore na nagbebenta ng gamot sa mga sari-sari store para i-resell nang walang tamang permit.



