Grupo kontra korapsyon, hinimok si Marcos Jr. na bumuo ng komite na mag-iimbestiga sa mga korap umano sa Kamara | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Hinimok ng grupong Citizens Crime Watch (CCW) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo ng isang komite na mag-iimbestiga sa umano’y mga korap na miyembro ng House of Representatives.

Ayon kay CCW president Diego Magpantay, dapat na bumuo ng board of inquiry ang pangulo na susuri sa mga mambabatas na bahid ng korapsyon.

Ito aniya ang magpapatunay na sinsero si Marcos Jr. na habulin at panagutin ang mga korap sa pamahalaan.

Nais din ng grupo na pangunahan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang board of inquiry.

Handa naman si Magalong na pangunahan ang komite kung itatatag ito ng pangulo.

ADVERTISEMENT

Nauna nang nag-volunteer si Magalong na imbestigahan ang umano’y mga korap sa Kamara, pero hindi pa umano siya nilalapitan ng Palasyo.

Samantala, sinabi ni Magalong na maraming congressman ang nakakatanggap ng 30% hanggang 40% na kickback mula sa pondo ng mga proyekto ng pamahalaan.