
Matapos lamunin ng apoy ang halos walong ektaryang bahagi ng Taal Volcano Island, isa namang grass fire incident ang naitala sa San Mateo, Rizal.
Sumiklab umano ang apoy sa bakanteng lote ng Timberland Heights kanina, pasado alas-6:00 ng gabi kung saan mabilis itong kumalat dahilan para abutin ng ilang oras ang mga bumbero bago nagdeklara ng “fire out”.
Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog.



