Sa kahit anong larangan, makikita ang husay ng mga Pilipino!
Ito ay matapos makamit ng isang Grade 4 student mula Oriental Mindoro ang isa sa pinakamataas na parangal sa isang science olympiad sa Amerika.
Itinanghal na absolute winner o overall first place ang siyam na taong gulang na si Warren Wade Casuga sa natural science category ng VII Copernicus Olympiad Global Round na ginanap sa Houston, Texas, Amerika.
Siya ang kauna-unahang Pinoy na nagkamit ng ganitong parangal sa isa sa pinakamahihirap na science olympiad sa Amerika.
Nalamangan niya ang mga kalahok mula sa 16 na bansa gaya ng China, Brazil, Turkey, at Taiwan.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Warren, hindi naging madali ang kompetisyon na may pinaghahalo-halong tanong sa science concepts, analysis, at computations.
Pagbati sa iyong parangal at ipagpatuloy lamang ang pagkamit ng tagumpay, Warren!



