Gobyerno, tutulong sa mga apektadong Pinoy ng kilos-protesta sa Los Angeles, USA

📅  |  ✏️ Updated

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Foreign Affairs at Philippine Consulate sa Los Angeles, California sa USA na tulungan ang mga Pilipinong apektado ng mga protesta kontra immigration raids sa Amerika.

Ayon sa Malacañang, mahigpit ang pagmamatyag ng gobyerno sa sitwasyon at nagbabala ang consulate na iwasan ng mga Pinoy ang mga delikadong lugar.