Global worship collective na CXMMXNS, inilunsad na ang kanilang pinakabagong album na “The Commons Chapel” | News Light

📅

Opisyal nang inilabas nitong linggo ang pinakahihintay na album ng global worship collective na CXMMXNS na pinamagatang The Commons Chapel.

Ang nasabing proyekto ay isang “stripped-down” at intimate na koleksiyon ng mga awit na layong ilapit ang mga nakikinig sa isang mas personal na karanasan ng pagsamba.

Taliwas sa kanilang nakaraang Live in Manila album na puno ng enerhiya mula sa libo-libong Pilipinong tagahanga, ang The Commons Chapel ay nakatuon sa mas payak at acoustic na areglo. Ayon sa grupo, ang album na ito ay dinisenyo para sa “devotional worship,” na mainam pakinggan sa mga maliliit na chapel, sa bahay, o sa sariling oras ng pananalangin.

Ang album ay binubuo ng 11 songs na kinabibilangan ng mga bagong kanta at mga acoustic version ng mga pamilyar na awit gaya ng “Who You Say I Am,” “Goodness of God,” at “Still.”

ADVERTISEMENT

Sina Ben Fielding at Reuben Morgan, na kilala sa likod ng mga kanta gaya ng “What a Beautiful Name” at “Mighty to Save,” ang nanguna sa produksiyon nito.

Maaari nang mapakinggan ang The Commons Chapel sa lahat ng major music platform. (Benedict Quejado/News Light)