Ginebra, umabante sa 2-1 semis lead kontra San Miguel | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nagpakitang-gilas si RJ Abarrientos upang tulungan ang Barangay Ginebra San Miguel makuha ang mahalagang panalo sa PBA Season 49 Philippine Cup semifinals.

Ang third overall pick ng 2024 draft ay nagpasiklab sa Game 3, kung saan tinambakan ng Gin Kings ang San Miguel Beermen sa iskor na 100-90, nitong Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Umabot din sa double digits sina Jericho Cruz at CJ Perez na may tig-11 puntos, habang nag-ambag si Juami Tiongson ng 10 marka.