Gilas Pilipinas, tinalo ang Guam para sa FIBA WCQ noong Biyernes | News Light

📅 December 1, 2025 2:23 PM PHT
Photo courtesy of FIBA

Nasungkit ng international men’s basketball team na Gilas Pilipinas ang una nitong panalo para sa FIBA World Cup qualifiers noong Biyernes.

Dinurog ng Gilas ang Guam sa iskor na 87-46, sa University of Guam Calvo House.

Bagamat humataw sa first quarter ang isa sa mga players ng Guam, kaagad naman itong binawian ng Gilas sa second half ng laro.

ADVERTISEMENT

Pinagunahan ni Justin Brownlee ang Gilas na may ambag na 22 points, 2 rebounds, 2 assists, at 2 steals.

At nagpakitang Gilas din naman si Quentin Millora-Brown na umambag ng 6 points, 10 rebounds, 3 blocks, at 1 assist.

Ngayong gabi ay laban naman ng Gilas sa ating home court, na gaganapin mamayang gabi sa Ateneo Blue Eagle Gym sa Quezon City. (Austin Gonzaga/News Light)