Gilas Girls, wagi sa buzzer-beater kontra South Korea; pasok sa playoff ng FIBA U16 | News Light

📅

Binigyan ng 15-anyos na si Tiffany Reyes ng espesyal na regalo ang Gilas Pilipinas girls matapos niyang ipasok ang game-winning jumper sa huling segundo para talunin ang South Korea, 77-75, sa FIBA U16 Women’s Asia Cup sa Malaysia.

Ang panalo ang kauna-unahan para sa programa sa Division A at nagbigay daan sa kanila para sa playoff sa semifinals.

Nagtala si Reyes ng 16 points, habang nanguna si Ella Smith na may 21 points, 7 rebounds, at 4 assists.

Susunod na makakaharap ng Pilipinas ang China para sa tiket sa semifinals sa Biyernes.