Gary V. na meet-and-greet si Tony award winner Nicole Scherzinger

📅

Hindi maitago ang saya ni Mr. Pure Energy Gary V. matapos makita at makilala ng personal

Si Tony award-winner Nicole Scherzinger sa isang private event.

Sa Instagram, ibinahagi ni Gary V. ang ilang photo snaps nila ni Nicole Scherzinger kasama ang asawang si Angeli.

Makikita na very close at talaga namang nakayakap pa ang International Singer sa kanilang mag-asawa.

Ayon kay Gary, inilarawan niya si Nicole na isa sa mga down to earth at humble na kanyang nakilala.

ADVERTISEMENT

Habang nag-iwan naman ng comment si Nicole sa naturang post.

Matatandaang naging miyembro si Nicole ng Pussycat Dolls bilang Lead singer at nanalong Tony award para sa best actress in a musical.