Bawal na ang anumang uri ng promotion, commercial at advertisements tungkol sa pagsusugal sa buong Pasig City, alinsunod sa bagong ordinansa ng lungsod.
Inanunsyo ni Mayor Vico Sotto ang bagong hakbang sa bisa ng city ordinance na akda ni Councilor Paul Senogat.
Sakop dito ang event sponsorships, billboards, tarpaulin sa mga waiting shed, at ads sa mga sasakyan at gusali.
Tanging ang rehistradong mga pasugalan lamang ang hindi sakop ng ordinansa.
ADVERTISEMENT
Dagdag ni Mayor Vico, may nagtangkang umanong suhulan ang dalawang councilor para huwag ipasa ang ordinansa, pero naging matatag sila sa pagsusulong nito.
Layunin ng gambling commercial ban na mailayo ang Pasiguenos sa pagkasira ng buhay dahil sa pagkakalulong sa sugal.



