Galawan para palitan sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez, ipinahitawig ni Rep. Toby Tiangco

📅

Tila nagpahayag si Navotas City Rep. Toby Tiangco na may mga pag-uusap na umano na patalsikin sa pwesto si House Speaker Martin Romualdez sa kaniyang posisyon sa kamara.

Kasunod ‘yan ng nangyaring balasahan sa senado nitong Lunes kung saan pinatalsik ang Senate President na si Francis Escudero at pinalitan naman ni Senate minority leader Tito Sotto III.

Lumulutang ang pangalan ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez bilang posibleng kapalit ni Romualdez kasama na rin ang anak ng pangulo at majority leader Sandro Marcos.

Gayunpaman aminado si Tiangco na mabigat ang hamon dahil karamihan sa mga leadership position sa kamara ay nakaugnay pa rin kay Romualdez.

ADVERTISEMENT

Aniya, hindi sapat na palitan lang ang speaker dahil kailangan din umano ng malawakang pagbabago sa pamunuan ng mababang kapulungan.