Inilabas na ng MMDA ang gagamiting body-worn cameras para sa No-Contact Apprehension ng illegal parking at mga nakaharang sa mga pangunahing kalsada at mabuhay lanes.
22 body cams ang unang ipinamahagi sa bagong swift traffic action group o stag na magdodokumento ng mga paglabag sa pamamagitan ng video at photo.
Wala nang towing at hihinging lisensya dahil makakatanggap ng notice ang mga violator sa windhsield o kaya’y sa text at email kasama ang qr code na naglalaman ng ebidensya.
Samantala, nilinaw naman ng Department of Health sa bagong polisiya na hindi na makakakuha ng zero-balance billing ang mga mao-ospital na driver na lumabag sa batas-trapiko.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Health chief Ted Herbosa sakop nito ang mga huli sa pagmaneho nang walang helmet, walang seatbelt, o nagmaneho nang lasing.
Habang ang mga nabiktima ng mga traffic violator ay buong saklaw pa rin ng zero-balance policy.



