Gabriela Rep. Elago, balik kongreso matapos iproklama ngayong Miyerkules ng Comelec para sa 64th seat sa 20th congress

📅

Opisyal nang iprinoklama ng Commision on Elections National Board of Canvassers, si Gabriela Women’s Party Representative Sarah Elago.

Bilang may-ari ng 64th party-list seat mula sa nakaraang 2025 midterm elections.

Ngayong Miyerkules September 17, personal na tinanggap ni Elago ang certificate of proclamation, sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila.

Aniya, panalo ng mga kababaihan ang kanilang proklamasyon dahil sa patuloy na paglaban para sa aniya’y tunay na representasyon sa kongreso.

Matagal aniya nilang ipinanawagan ang pag anunsyo ng kanilang panalo lalo pa ngayong samu’t-saring isyu ang kinahaharap at dinidinig ng kongreso.

ADVERTISEMENT

Alinsunod ang kanilang proklamasyon sa ruling ng Comelec na magtalaga ng 64 party-list seats na magrerepresenta sa 20 percent ng House of Representatives na may 320 na kabuuang pwesto.

Ito na ang pangalawang beses na bahagi ng kongreso si Elago matapos maging representative ng Kabataan party-list noong 2016 hanggang 2022.