Gabriela Party-list, posible nang maiproklama sa Miyerkules para sa ika-64 pwesto sa 20th congress ayon sa COMELEC

📅

“Long overdue”

‘Yan ang pahayag ng Gabriela Women’s Party-list sa anunsyong posible na silang iproklama sa Miyerkules, September 17 ng Commission on Elections bilang bahagi ng 20th congress.

Pinirmahan na ngayong Lunes, September 15 ni COMELEC chair George Erwin Garcia ang certificate of proclamation ng partido na kasalukuyan nang umiikot sa mga miyembro ng komisyon para mapirmahan.

Makukuha ni Rep. Sarah Elago ang ika-64 na puwesto sa kongreso sakaling matuloy na ang proklamasyon.

Sa contention kasi ng komisyon, dapat 64 seats ang ilalaan dahil kung kokompyutin ang porsyento ng mga miyembro ng kamara nasa 19.87 percent lang ito imbes na 20 percent na mandato ng batas.

ADVERTISEMENT

Nakakuha ng mahigit 250,000 votes ang Gabriela Party-list noong 2025 midterm elections.

Tinatanggap naman ng partido ang desisyon pero anila dapat nang matuloy ang proklamasyon dahil ongoing na ang mga pagdinig at deliberasyon.

Patuloy naman nila anila isusulong ang mga batas na layong protektahan ang karapatan ng mga kababaihan, bata, kabataan, at ng bayan.