
Higit 1,000 ang nakilahok sa fun run para kundenahin ang di umano’y korapsyon sa mga flood control at infrastructure projects sa University of the Philippines-Diliman noong Linggo.
Panawagan ng UP community at mga miyembro ng progresibong grupong lumahok sa “Takbo Laban Korapsyon” ang pananagutan at transparency sa gitna ng imbestigasyon sa maanomalyang mga proyekto ng gobyerno.
Ayon kay Joaquin Buenaflor, chairperson ng UP Diliman University Student Council, layon ng event na i-organisa ang pagkadismaya ng publiko.
Pagkakataon daw itong maihayag ang galit ng mga tumakbo sa paglitaw ng mga “ghost” flood control projects ng pamahalaan, banggit naman ni Gio Baglaen, ang chairperson ng UP Diliman College of Science Student Council.
ADVERTISEMENT
Ang event ay kasunod ng panawagan ng gobyernong iwasan ang marahas na kilos-protesta, pati na ang aktibong pagbabanta ng mga kapulisan na magsasampa ng reklamo laban sa mga nagprotesta sa harap ng House of Representatives at sa opisina ng St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corporation sa Pasig. (Denniel Salayo/ News Light)



