Nakahandang umalalay ang pamahalaan sa sektor ng transportasyon.
‘Yan ang pagtitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa harap ng pinangangambahang pagtaas ng presyo ng krudo dahil sa posibleng paglala ng tensyon sa Middle East.
Magbibigay ang pamahalaan ng fuel subsidy sa mga maaapektuhang sektor gaya ng tsuper at magsasaka.
Dagdag pa niya, hindi makakalabas ang suplay ng langis mula sa pinanggalingan nito kung sakaling maharangan ang sentral na daanan ng langis, kaya tiyak na tatamaan ang presyo nito.
Ang pagbibigay ng fuel subsidy ay matatandaang ipinamahagi noong kasagsagan ng pandemya na naglalayong matulungan ang mga indibidwal at sektor na higit na naapektuhan. (Edrei Mallorca)