Former Prime Minister Thaksin Shinawatra, muling pinasentensyahan ng Thailand Supreme Court | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Iniutos ng Korte Suprema ng Thailand nitong Martes na makulong ng isang taon ang dating punong ministro na si Thaksin Shinawatra dahil sa mga kaso ng korapsyon at abuso sa kapangyarihan.

Ayon sa ulat ng Thai Public Broadcasting Service, inalis si Shinawatra sa pwesto sa pamamagitan ng kudeta militar noong 2006 at nanirahan nang ilang taon sa Dubai bilang self-exile.

Pagbalik niya sa Thailand noong 2023, agad siyang nahatulan ng walong taong pagkakakulong ngunit ibinaba ito ng hari sa isang taon matapos siyang humiling ng royal pardon.

Gayunman, halos isang araw lang siya nanatili sa kulungan bago ilipat sa Police General Hospital dahil sa iniulat na mga karamdaman.

ADVERTISEMENT

Anim na buwan siyang nanatili roon bago pinayagang mag-parole at makauwi sa Bangkok.