Tumaas ng walong porsyento ang food poverty sa Pilipinas sa ikalawang quarter ng taon, ayon sa OCTA Research.
Sa July 2025 survey ng OCTA, umakyat sa 43 percent o katumbas ng 11.3 milyong pamilyang Pilipino ang kumokonsidera sa kanilang sarili bilang food-poor o hirap pa ring makabili ng pagkain.
Naitala sa Mindanao ang pinakamataas na porsyento ng food poverty.
Ang survey ay isinagawa noong Hulyo 12 hanggang 17 na may 1,200 na respondents.
ADVERTISEMENT



