Binatikos ni Akbayan Rep. Chel Diokno ang Department of Health (DOH) sa pagtalakay ng proposed ₱253-bilyong budget nito para sa 2026.
Ibinunyag kasi na nasa 200 lamang sa 600 health center na ipinapatayo sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ang nagagamit ng publiko.
Tinawag pa ito ni Health Secretary Teodoro Herbosa na “flood control version” ng DOH dahil marami ang gusali pero hindi napapakinabangan dahil sa kakulangan nito sa empleyado.
Giit ni Diokno, sayang ang mahigit ₱170 bilyong nagastos sa nakaraang dekada kung hindi ito nagbibigay ng tamang serbisyo.
ADVERTISEMENT
Tiniyak naman ng DOH na magpapatupad ng catch-up plan upang mabuksan ang mga nakatiwangwang na pasilidad. (Pink Feliciano/ News Light)



