Inihayag ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang ilalaang pondo sa flood control projects sa taong 2026.
Sa gitna ito ng kasalukuyang review ng DPWH sa proposed budget ng ahensya matapos mabunyag ang mga anomalya.
Paliwanag ng pangulo, mayroon pang mahigit P350 billion na pondo mula sa 2025 na magagamit kaya magtutuloy-tuloy pa rin ang mga proyekto.
Giit ng pangulo dapat tapusin ng mga kontratista ang mga proyekto nang walang dagdag na gastos ang gobyerno.
ADVERTISEMENT
Tutol din ang pangulo sa panawagan ng mga lider ng kamara na ibalik sa executive ang 2026 national expenditure program at sa halip ipinag-utos niya na isulat muli ng DPWHa ang kanilang budget at isumite sa kongreso.



