Tinukoy na ng Department of Justice ang magsisilbing ground zero sa Taal lake para sa paghahanap sa mga bangkay ng hindi bababa sa tatlumpung nawawalang mga sabungero.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang iba pang ahensya ng gobyerno na tumulong sa paghahanap sa bangkay ng mga biktima na posibleng gamitan ng underwater drones.
Posibleng simulan na ng Department of Justice anumang araw ang pagsisid sa Taal lake upang mahanap ang nasa isandaang nawawalang mga sabungero.
Kinumpira ng DOJ na mayroon nang ground zero kung saan sisimulan ang technical diving operation.
ADVERTISEMENT
Batay sa lokasyon na isiniwalat ng kanilang hawak na testigo.
Pero malaking hamon ang kakaharapin ng diving team gaya ng lagay ng panahon at kondisyon ng taal lake ngayong aktibo pa rin ang taal volcano.
Tiniyak naman ng Philippine Navy na nakahanda ang kanilang elite divers na tumulong kung kakailanganin.
ADVERTISEMENT
Dagdag ng navy maaaring magamit sa advanced search ang underwater drones.
Pero bukod sa Taal lake, ayon sa Philippine National Police, may bineberipik ring iba pang lokasyon na posibleng pinagtapunan ng mga bangkay ng biktima
Samantala, nagsimula na ang Supreme Court na imbestigahan ang ulat ng doj ukol sa mga taong umanoy nanghihimasok sa kaso.
ADVERTISEMENT
Sa pahayag ng kataas-taasang hukuman itinuring nila ang alegasyon ng korapsyon bilang mabigat na isyu na dapat tugunan.
Nag-ugat ito sa ibinunyag ni Julie “Dondon” Patidongan alias “Totoy” na may isa umanong dating hukom na namamagitan para sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na isa sa inaakusahan sa pagkawala ng mga sabungero.



