Filipino-Italian restaurant, namahagi ng libreng sopas bilang tulong sa mga naapektuhan ng bagyo | News Light

📅 November 11, 2025 12:29 PM PHT

Ipinakita ng homegrown Italian restaurant chain na Mama Lou’s ang malasakit sa komunidad sa gitna ng pananalasa ng bagyong “Uwan” sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng sopas sa mga taong naghahanap ng masisilungan.

Simula noong Sabado, Nobyembre 8, namimigay na ang kanilang mga sangay ng Zuppa di Maccheroni — isang mainit na sabaw na nagbibigay ginhawa at pag-asa sa mga panahong puno ng pangamba.

ADVERTISEMENT

Bukod sa mga evacuee at bisita, binibigyan din nila ng libreng sopas ang mga delivery riders at manggagawang patuloy na naglilingkod sa kabila ng masamang panahon bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo.