Nagkasa ang ilang Filipino netizens sa Amerika ng bring home Zaldy Co campaign online sa harap ng alegasyon ng pagkakasangkot ng naturang kongresista sa umanoy anomalya.
Sa kumakalat na facebook posts ipinapanawagan ng social media users na agad ireport sa U.S. immigration and customs enforcement sakaling makita ang ako bicol party list representative na si Co.
Dapat anila ibalik si Co sa Pilipinas upang humarap sa mga alegasyon ng korapsyon una nang sinabi ng House of Representatives na nasa estados unidos si Co para sa pagpapagamot.
Si Zaldy co ay idinidikit sa dalawang top government contractors na Sunwest at Hi Tone.
ADVERTISEMENT
Sa records ng kamara, hindi pa umattend ng sesyon ang dating chairman ng House budget committee magmula nang magbanta si Pang. Marcos na pananagutin ang mga sangkot
sa flood control projects sa kanyang SONA noong July 28.



