‘Fight for our West Philippine Sea’ mural wall, pinasinayaan sa pader ng Manila North Cemetery | News Light

📅 October 20, 2025 12:41 PM PHT  |  ✏️ Updated October 20, 2025 12:42 PM PHT

Pinasinayaan nitong weekend ang “Fight for our West Philippine Sea” mural wall sa pader ng Manila North Cemetery bilang simbolo ng pagkakaisa at pagmamahal ng mga Pilipino sa bansa.

Pinangunahan ito ni Herbert Antonio Martinez, chairman at founder ng Blessed Movement, kasama si National Youth Commission Chairperson Jeff Ortega, sa ilalim ng Manamo Wall Project na may temang “Kulayan ang Karagatan: Kabataan para sa West Philippine Sea.”

ADVERTISEMENT

Layon ng proyekto na ipakita ang pagkamalikhain, nasyonalismo, at pagkakaisa ng kabataang Pilipino sa pagtatanggol ng karapatan ng bansa sa karagatan.

Batay sa Pulse Asia survey, 94% o siyam sa bawat sampung Pilipino ang naniniwalang dapat ipagtanggol ng pamahalaan ang ating soberanya laban sa “coercive behavior” o mapanghamong aksyon ng China.