Fake motorcycle riders, binabantayan ng NCRPO | News Light

📅 June 13, 2025 10:58 AM PHT  |  ✏️ Updated June 13, 2025 10:58 AM PHT
👤 Jomar Villanueva  |  📂 Abiso Trapiko, Latest News, News Light

Patuloy ang pagbabantay ng NCR Police Office sa mga pekeng motorcycle riders.

Lalo na iyong mga kriminal na nagpapanggap na rider para makapangbiktima.

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin, regular na nagbabantay ang kapulisan sa Metro Manila laban sa mga magnanakaw at iba pang kriminal.

Nakikipagtulungan din ang NCRPO sa MMDA para masugpo ang mga pekeng motorcycle riders.

Bahagi rin ito ng paghahanda ng PNP para sa pagbabalik-eskwela sa Hunyo 16.