Binatikos ni dating senador Richard Gordon ang Independent Commission for Infrastructure o ICI dahil sa aniya’y walang pangil o kapangyarihan sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects.
Giit ni Gordon, mas malakas pa rin ang senate blue ribbon committee dahil may kapangyarihan ito na tumawag ng mga testigo at magpakulong ng mga hindi tumatalima sa utos ng liderato ng senado.
ADVERTISEMENT
Payo pa ng dating senador, dapat direktang mag-report ang ICI sa pangulo para mapakilos ang mga ahensiya sa mga hinihinging dokumento.
Habang ikinagulat nman ni Gordon ang biglaang pagbibitiw ni Sen. Panfilo Lacson bilang chairman ng blue ribbon.




