Nanindigan ang bagong House communications chief at dating kongresista na si Ace barbers na matibay at stable ang pamumuno ni House speaker Martin Romualdez.
sa kanyang pahayag, sinabi ni barbers na walang basehan ang mga spekulasyon ng pagpapalit ng liderato sa kamara matapos maiugnay si Romualdez sa umano’y payoffs sa maanomalyang flood control projects.
Dagdag pa niya, may malawak na suporta si Romualdez mula sa mga miyembro ng 20th congress at tinawag niya na “ingay lang” ang mga paratang sa kanya.
Matatandaang una nang gumawa ng ingay si Navotas City Rep. Toby Tiangco hinggil sa posibleng pagpapalit ng liderato ng kamara.



