Hirap na umanong makaalala si former Pres. Rodrigo Duterte ng mga detalye sa kanyang buhay, ayon sa kanyang abogado na si Nicholas Kaufman.
Sa isinumiteng dokumento ng kampo ni Duterte sa International Criminal Court idinetalye ang umanoy severe cognitive impairment ni Duterte.
Ayon sa depensa, maging ang mga pangalan ng kanilang pamilya ay hirap na umanong maalala ng dating pangulo.
Kaya ang hiling ng kanilang kampo indefinite adjournment o pagpapatigil sa hindi tiyak na hinaharap ang lahat ng proceedings ni duterte sa ICC.
ADVERTISEMENT
Una nang pinostpone ng ICC pretrial chamber ang confirmation of charges of hearing ni Duterte ngayong buwan.



