Ex-PNP chief Gen. Azurin Jr., itinalaga bilang bagong ICI special adviser | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Itinalaga ng Palasyo si dating Philippine National Police chief General Rodolfo Azurin Jr. bilang bagong special adviser and investigator ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ito’y tatlong araw matapos magbitiw bilang special adviser ng komisyon si Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil sa maaaring paglabag sa Section 7 ng Article IX-B ng Konstitusyon o pagbabawal sa mga elected official na umupo pa sa isang public office.

Kumpiyansa ang Palasyo sa karanasan at liderato ni Azurin na mas mapapatatag ang mandato ng komisyon na maging transparent sa paggamit ng kaban ng bayan at mapanagot ang mga umaabuso rito.

Pinasalamatan naman ng Pangulo si Magalong para sa serbisyo at kontribusyon nito sa komisyon.