Ex-Gilas at PBA star Gabe Norwood, nag-anunsyo ng kanyang retirement | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nag-anunsyo ng retirement sa Philippine Basketball Association (PBA) kahapon si dating Gilas Pilipinas basketball player at Rain or Shine Elasto Painters star Gabe Norwood.

Ayon kay Norwood, ang susunod na Philippine Cup ang kanyang magiging huling season sa PBA.

Galing ng George Mason University at na-draft noong 2008 PBA Draft bilang 6-foot-6 forward ng Rain or Shine Elasto Painters, nakapagpanalo ng 2016 Commissioner’s Cup at 2012 Governor’s Cup sa kanyang team, at naging parte ng Gilas Pilipinas noong 2013 FIBA Asia Championship sa Manila laban sa Korea.

Ngayong siya ay 40 years old na, ayon kay Norwood, siya ay magiging parte na lamang ng coaching staff sa Gilas Youth para sa SEA Under-16 Championship at FIBA Under-16 Asia Cup ngayong taon.