Ex-DPWH Engr. Hernandez, pina-cite in contempt ng blue ribbon committee dahil sa ilang inconsistencies sa pahayag sa pagdinig

📅

Pina-cite in contempt ng senate blue ribbon committee si dating DPWH engineer Brice Hernandez matapos nitong hindi aminin kung saan nanggaling ang pera niyang pinangka-Casino.

Ayon kay Hernandez, sa boss niyang si dating Bulacan district Engineer Henry Alcantara nanggagaling ang pera na agad namang di-neny ni Alcantara.

Kinastigo rin siya ng mga senador dahil sa paggamit ng pekeng ID at pangalan na Marvin Santos De Guzman na ipinakikita sa tuwing nagpupunta sa Casino.

Nauna nang umamin si Alcantara sa mga pagdinig ng senado na nagpupunta siya sa Casino dala ang pekeng ID.