Ex-DPWH Engr. Brice Hernandez, isinuko na ang kanyang P30 milyon Lamborghini sa ICI

📅

Isinuko na ni dating Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez, ang kanyang Lamborghini Urus na nagkakahalagang P30 milyon sa Independent Commission for Infrastructure na nag-iimbestiga sa anomalya sa flood control projects.

Nauna na niyang isinurrender ang kanyang GMC Denali na nagkakahalaga namang P12 milyon.

Si Hernandez ang nagbunyag ng mga mambabatas na tumatanggap ng bultuhang kickbacks sa flood control projects.

Ayon kay ICI Special Adviser at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nasa custody na ng Komisyon ang mga sasakyan at dadaan ito sa tamang disposisyon ayon sa batas.